(MUSIC) Exclusive KHALIL RAMOS Interview as He Launches DEBUT ALBUM


“Pilipinas Got Talent Season 3” runner-up turned “Princess and I” star Khalil Ramos recently shared with ABS-CBN PR his thoughts about his newly launched self-titled debut album.

ABS-CBN PR: How do you feel that you finally have your solo album?
KHALIL: Ngayon, I’m just really overwhelmed and happy. I always believed in myself and I did everything and anything that I can to achieve my dreams, and of course with lots and lots of prayers.

ABS-CBN PR: Ngayong mas nakikilala ka ng publiko bilang isa sa lead stars ng “Princess and I,” saan ka mas masaya–singing or acting? Kung papipilin ka between singing and acting, ano ang pipiliin mo?
KHALIL: Acting and singing are really similar. Because when I sing, I also act dahil kailangang ma-feel ng audience mo ‘yung kanta. So that’s why hindi na ako masyado nahirapan sa acting, though pinag-aralan ko pa rin siya. Masaya ako sa parehas, pero mas masaya ako sa first love ko, which is singing. Kung papapiliin ako, singing pa rin.

ABS-CBN PR: Paano binuo ang debut album mo? Were you part of the song selection process?
KHALIL: Masayang-masaya ang journey! Well of course hindi basta basta pinili at kinanta lang ‘yung tracks sa album. Pinag-meetingan at pinagdesisyonan ‘yun nang maigi. Syempre first album ko siya so dapat maganda. Pinagdesisyunan namin na isama ‘yung dalawang single ko na “Kung Ako Ba Siya” and “Now Were Together,” tapos yung “I Don’t Wanna Miss A Thing” naman personal choice ko para sa mga fans na sumuporta sakin from “PGT” pa lang. Ang “Kung Ako Na Lang Sana” naman ay pinili ni Tita Malou Santos para sa akin at ‘yung iba ay pinili ng buong team kasama narin po ako dun.

ABS-CBN PR: Anong favorite song mo sa album?
KHALIL: Ang paborito ko ay “I Don’t Wanna Miss A Thing” basically because it’s unique. Proud ako dahil maganda po ‘yung version ko.

ABS-CBN PR: These days, napakarami nang singers at albums in the market, bakit sa palagay mo dapat bilhin ang album mo?
KHALIL: I think kakaiba itong album na ito kasi wala pong masyadong alternative rock and ballad na artist sa Pilipinas. Halo po itong album ko na rock and ballad songs. ‘Yung versions po ng mga kanta na ginawa namin sa album, malayong-malayo sa original. I think magugustuhan ito ng mga music lovers kasi bago po siya.

ABS-CBN PR: Anong message mo sa iyong fans?
KHALIL: Sa lahat po ng sumusuporta sa akin from the very start of my career, maraming-maraming salamat po! Kung wala po kayo, wala itong albun ko! Sana po hindi kayo magsawa sa pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko po kayo! Itong first album ko ay dedicated po para sa inyong lahat!


Like it? Share with your friends!

0 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

rodmagaru

Rod Magaru is an award winning content creator based in the Philippines. He blogs about lifestyle and Entertainment and is known for breaking news on new projects in TV, Movies and reviews of products, hotels and awesome travel tips. He is also a Social media strategist, accepts hosting & speaking engagement. For inquiries email rodmagaru@gmail.com