(TV) Exclusive with ELLA CRUZ, Excited to work Again with FRANCIS MAGUNDAYAO


Kapamilya tween mermaid Ella Cruz shares with ABS-CBN PR her reaction when she found out that her former love team partner Francis Magundayao is going to join the cast of their top-rating Primetime fantaserye “Aryana.”

ABS-CBN PR: Ano ang reaction mo when you learned na papasok sa story si Francis?
ELLA: Na-excite po ako agad nung sinabi nila na ipapasok si Francis sa istorya. Marami na po kasing nag-rerequest na fans na ipasok siya sa “Aryana” dahil nabitin daw po sila sa tambalan namin dati sa “Dahil Sa Pag-ibig.” Sobrang kinikilig daw po kasi sila sa tambalang ‘FrancElla.’

ABS-CBN PR: Ano ang naging reaksyon ni Francis?
ELLA: Na-excite rin po siya. Nakita ko rin po na naging masaya siya sa first day taping nya sa “Aryana” at talagang masasabi ko po na ang galing niya.

ABS-CBN PR: Anong role niya at ano ang kinalaman niya sa buhay ni Aryana?
ELLA: Iyon po ang dapat abangan ng lahat–kung sino siya sa buhay ni Aryana.

ABS-CBN PR: Noong lumabas kayo sa DSP as young Piolo and Cristine, marami agad ang kinilig sa chemistry niyo. Ano sa palagay mo ang meron si Francis at marami ang boto sa kanya para sa’yo?
ELLA: Siguro po dahil ang galing po talaga niyang umarte, lalo na po sa pagpapaiyak at pagpapakilig. Isa pa po siguro na dahilan ‘yung looks niya. Sobrang lakas po kasi ng dating ni Francis kaya marami po agad ang nagkaka-crush sa kanya.

ABS-CBN PR: Sa pagpasok ni Francis sa Aryana, tatlo na ang love team mo, ano ang dapat i-expect ng TV viewers?
ELLA: Dapat po nila abangan kung kanino po sa kanilang tatlo mas mapapalapit si Aryana.

ABS-CBN PR: Sa totoong buhay, kanino sa tatlo ka pinakamalapit? Bakit?
ELLA: Malapit po ako sa kanilang tatlo. Si Dom po ‘yung laging nagbibigay ng advice sa akin. Si Paul at Francis naman po ‘yung laging nakikipagkulitan at lagi rin po silang nandyan para sa akin. Para ko na po silang mga kabarkada dahil madalas po kaming magkakasama sa taping.


Like it? Share with your friends!

0 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

rodmagaru

Rod Magaru is an award winning content creator based in the Philippines. He blogs about lifestyle and Entertainment and is known for breaking news on new projects in TV, Movies and reviews of products, hotels and awesome travel tips. He is also a Social media strategist, accepts hosting & speaking engagement. For inquiries email rodmagaru@gmail.com