(TV) Meet the cast of WALANG HANGGAN


“WALANG HANGGAN” CHARACTER PAGE 

MARCO MONTENEGRO  – Richard Gomez

SIYA ANG ONLY SON NG HACIENDERONG SINA JOSEPH  AT MARGARET BONIFACIO, KAYA INAASAHANG MAGING MAHUSAY SA FAMILY BUSINESS. CONFIDENT AT ASSERTIVE, AT MATAAS ANG TINGIN SA SARILI DAHIL ALAM NIYANG MAY IPAGMAMALAKI SIYA. MAYROON SIYANG ANGKING TALENT SA PAGPILI NG MASARAP NA WINE.  

 EMILY  CARDENAS – Dawn Zulueta

ANAK SIYA NG ISANG TRABAHADOR SA HACIENDA. MABAIT AT MAPAGMAHAL NA ANAK AT PINIPILIT NA INTINDIHIN AT TANGGAPIN ANG AMANG NALULONG SA ALAK MULA NANG MABIYUDO ITO.  KAHIT SALAT SA YAMAN, MASIPAG AT MAY PANGARAP NA MATAPOS SA PAG-AARAL PARA MAIANGAT ANG BUHAY NILANG MAG-AMA. 

 

VIRGINIA CRUZ– Susan Roces PANGANAY AT ULILA KAYA SIYA NA ANG TUMAYONG NANAY AT TATAY SA KAPATID NA SI MARGARET.  HINDI NA SIYA NAKAPAG-ARAL AT NAGTRABAHO NA LANG PARA MAPAARAL ANG KAPATID. GENEROUS, SELF-SACRIFICING AT BENEVOLENT NA ATE KAYA HANDA SIYANG IBIGAY ANG LAHAT PARA SA KAPATID, KAHIT ISAKRIPISYO ANG SARILING KALIGAYAHAN – ANG KANYANG ONE GREAT LOVE NA PINAUBAYA NYA KAY MARGARET.

MARGARET CRUZ MONTENEGRO – Helen Gamboa- LUMAKI SILA SA HIRAP NG KANYANG PAMILYA KAYA NAGING MATAAS ANG AMBISYON AT PANGARAP NA MAGING MAYAMAN.  MADISKARTE, MATALINO AT MASIPAG, KAYA SIYA ANG MAGPAPALAGO NG HACIENDA NG ASAWA. ISA SIYANG PERFECTIONIST AT GUSTO NIYA MAAYOS LAHAT SA PALIGID NYA AT KONTROLADO NIYA.

  

JOHANNA MONTENEGRO – Melissa Ricks

PANGANAY NA ANAK NINA MARCO AT JANE PERO MAS MALAPIT SIYA SA LOLA MARGARET NIYA KESA SA MOMMY NIYANG SI JANE. IDOL NIYA KASI SI MARGARET. BILIB SIYA SA GALING NITO SA NEGOSYO. KIKAY, MAARTE AT SOPHISTICATED AT DAHIL LUMAKI SA IBANG BANSA, NAGING LIBERATED, SPOILED BRAT AT BOSSY.

 

NATHANIEL MONTENEGRO – Paulo Avelino

SIYA ANG BUNSONG ANAK NINA MARCO AT JANE.  MASUNURIN AT MABAIT NA ANAK AT APO.  POLISHED, REFINED AT METROSEXUAL. BATA PA LANG SILA, MAGIGING MAGAAN NA ANG LOOB NIYA KAY KATERINA. HE FEELS KATERINA NEEDS A KNIGHT IN SHINING AMOR AT GUSTO NIYA SIYA MAGING TAGAPAGLIGTAS NI KATERINA DAHIL KAPAG KASAMA NIYA SI KATERINA, FEELING NIYA, HE IS NEEDED AND WANTED. MAGALANG SYA AT VERY GENTLEMANLY PERO MAY TINATAGO PALA ITONG TEMPER NA KAPAG LUMABAS, AY SOBRA SOBRA NAMAN AT WALANG MAKAKA-CONTROL NITO.

  TOMAS ALCANTARA – Joem Bascon

SIYA ANG PANGANAY NA ANAK NI WILLIAM. MAYABANG, ABRASIVE AT REBELLIOUS.  DOMINEERING AND DEMANDING, LALO NA SA BUNSONG KAPATID NA SI KATERINA.MALAPIT SA INA NUNG BATA LANG ITO PERO NANG PINANGANAK SI KATERINA, NAMATAY ANG INA.  SINISISI NIYA ANG BUNSONG KAPATID SA PAGKAWALA NG KAYANG INA.  RISK-TAKER. MAHILIG SA SUGAL AT MAGALING DUMISKARTE.

 

 

KATERINA ALCANTARA – Julia Montes

LUMAKI SI KATERINA BELIEVING NA SIYA AY ISANG PRINSESA AT BALANG ARAW AY DADATING ANG KANYANG PRINSIPE. ISA SIYANG HOPELESS ROMANTIC AT NANINIWALA SA KONSEPTO NG FAIRY TALE AT HAPPY ENDING. MALAMBING AT AFFECTIONATE, AT DAHIL BUNSO AT ONLY GIRL, SPOILED AT SANAY NA INAAMO/SINUSUYO. NARANASAN NIYA ANG MABUHAY NG MARANGYA KAYA MEDYO MAHIHIRAPAN SIYA KAPAG UNTI-UNTI NA  NALULUGI ANG NEGOSYO NILA.

 DANIEL – Coco Martin

WALA NANG MAGULANG AT  BUONG BUHAY NIYA, KASAMA LANG NIYA ANG KANYANG LOLA VIRGINIA  UMAMPON SA KANYA MULA PA NUNG SANGGOL SIYA. LUMAKI SYA SA KALYE KAYA NAGING PALABAN, MADISKARTE AT MATAPANG. PERO BUSOG SA PANGARAL NG LOLA KAYA LUMAKING TAPAT, MAPRINSIPYO AT MAY PANININDIGAN.  MAGINOO PERO MEDYO BASTOS PERO KAHIT NA BARGAS MAN SIYA KUMILOS, MAGALANG PA RIN SA MGA BABAE. KAPAG NAGMAHAL SIYA, SOBRA SOBRA NIYANG MAMAHALIN ANG BABAE, HIGIT PA SA SARILI NIYANG BUHAY.

JOHN MONTENEGRO –  Eddie Guttierez

MATALIK NA KAIBIGAN NIYA SI VIRGINIA AT LIHIM NA UMIIBIG DITO PERO ANG NAPAKASALANNIYA AY SI MARGARET.  TAHIMIK LANG SIYA, PASENSYOSO, AT HANGGAT MAARI, INIIWASAN ANG AWAY O GULO. PERO KAHIT NA MALUMANAY SYA, HINDI SIYA KINAKAYA-KAYA NI MARGARET.  SA ISANG TINGIN LANG, NAPAPATIGIL NIYA SI MARGARET KAPAG ITO AY NAGAGALIT O NAGWAWALA.

 

JANE BONIFACIO MONTENEGRO – Rita Avila

NAG-IISANG ANAK NG MAY ARI NG BANKO KAYA SIYA ANG MAGIGING MANAGER NITO. WELL- EDUCATED AT MATALINO PERO NANG MA INLOVE KAY MARCO, IBIBIGAY NIYA LAHAT DITO. MATIISIN AT MABAIT, ALAM NIYANG MARAMING BABAE SI MARCO PERO SA TUWING LUMALAPIT SA KANYA SI MARCO, HANDA NAMAN SIYANG TANGGAPIN ITO ULIT.

WILLIAM ALCANTARA – Joel Torre

NANG BUMILI SYA NG HACIENDA NA MALAPIT KINA MARCO, NAGING MAGKAIBIGAN ANG DALAWANG PAMILYA. MAY TATLO SIYANG ANAK: SINA TOMAS, JONATHAN  AT KATERINA. AN HONEST AND SINCERE LEADER, HE IS WELL-LOVED BY HIS PEOPLE DAHIL SA INNATE COMPASSION FOR THE WORKERS.


Like it? Share with your friends!

rodmagaru

Push Awards' Most Popular Entertainment Blogger of 2016, Rod Magaru is a celebrity Blogger who blogs about lifestyle and Entertainment. His Blog is known for breaking news on new projects in TV, Movies and reviews of products, hotels and awesome travel tips. He is also a Social media strategist, accepts hosting & speaking engagement. For inquiries email [email protected]

5 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *