(TV) Star Cinema’s THE MISTRESS is Bea Alonzo’s BRAVEST FILM. Celebration of Bea-John Lloyd 1oth Anniv as Loveteam.


2

Bago, nakagugulat, mapangahas, at pinakamatapang na Bea Alonzo ang tampok sa pinakapinananabikang pagbabalik-tambalan nila at selebrasyon ng 10th anniversary ng love team nila ni John Lloyd Cruz sa latest mature film mula sa Star Cinema na “The Mistress” na ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa sa September 12.

Ayon kay Bea, ang “The Mistress” ay maituturing na engrandeng pagdiriwang ng 10th anniversary ng love team nila John Lloyd. “Nakakatuwa kasi ang layo na ng narating nung relasyon namin bilang magkatrabaho. Isang dekada na,” ani Bea. “Honestly, bawat project ay iniisip namin baka last na, kagaya ng ‘One More Chance’ at ‘Miss You Like Crazy,’ pero hindi. Kaya sobra po talaga ang pasasalamat namin sa mga naniwala at sumusuporta sa amin sa loob ng 10 taon.”

“Hanggang ngayon, napapatulala pa rin ako kung pano niya dinideliver ang roles niya, he’s such a good actor. Everytime na magkatrabaho kami ni Lloydi parang may sense of familiarity ka yet it’s always refreshing kasi palagi siyang may binibigay na bago, ‘yung talagang mapapasabi ka ng ‘uy bago yun ah,” dagdag ni Bea.

Sa sampung taon nilang samahan ni John Lloyd at sa isang dekada rin niya sa Star Cinema, ang “The Mistress” na raw ang pinakamatapang na proyektong nagawa ni Bea bilang aktres. “Seriously, kinakabahan talaga ako hanggang ngayon. Nagdalawang isip ako noong una kung kaya ko siyang gawin kasi nasanay na ako sa comfort zone ko na ano ako yung regular na mabait na character. By far, ito pinakamatapang na movie ko dahil marami akong ginawa dito na never ko pa nagawa sa teleserye man o pelikula. Mahirap siya, feeling ko aatakehin ako sa puso kada eksena,” paliwanag ni Bea.

BEA ALONZO JOHNLLOYD CRUZ THE MISTRESS STARCNIEMADahil sa maseselang eksena na first time na ginawa ni Bea, laking pasalamat niya sa suporta sa kanya ng kanyang leading man. “Jackpot talaga ako na John Lloyd ang kasama ko sa ‘The Mistress.’ He’s very generous when it comes to giving emotions and giving me reactions sa scenes ko kahit hindi niya shot. He’s very supportive,” aniya. “Mas lalo akong nagpupursige kasi iniisip ko siya nga, he’s on top right now, halos lahat ng award-giving bodies kinilala na siya, pero hindi siya nagkakampante. Madadala ka kapag makikita mo kung paano siya nagko-concentrate, nagre-research, at kung gaano kalaki ‘yung dedication na binibigay niya sa trabaho.”

Sa first-ever ‘bravest’ film nila John Lloyd, baon daw ni Bea ang mga ‘pinagdaanan’ niya sa nakaraang sampung taon. “Baon ko dito ang lahat memories at mga pinagdaanan ko, good times and bad times. Nag-grow ako as an actress dahil sa lahat ng experiences na ‘yun.”

Sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan, ang “The Mistress,” ayon kay Bea, ay isang napakagandang ‘imperfect love story.’ Aniya, “Siguro habambuhay kong pagsisisihan kung nag-‘no’ ako sa pelikulang ito. Kailangan mo siyang panoorin para madiscover mo na may another form of love, mayroong imperfect love story pero mararamdaman mo it’s a perfect feeling at maintindihan nating may mga bagay na hindi binibigay sa atin para maging happily ever after ang love story natin pero para matuto ka.”

Ang “The Mistress” ay hindi ordinaryong kuwento ng pag-ibigg nina Sari Alfonso (Bea) at JD Torres (John Lloyd) na pinagkrus ang landas sa hindi inaasahang pagkakataon. Ano ang gagawin mo kung ang kaisa-isang babaeng minamahal mo ay pagmamay-ari na ng iba?

Mapapanood na ang “The Mistress” sa mga sinehan nationwide sa September 12, 2012.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “The Mistress,” mag- log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/http://facebook.com/StarCinemaat http://twitter.com/StarCinema.


Like it? Share with your friends!

2
rodmagaru

Push Awards' Most Popular Entertainment Blogger of 2016, Rod Magaru is a celebrity Blogger who blogs about lifestyle and Entertainment. His Blog is known for breaking news on new projects in TV, Movies and reviews of products, hotels and awesome travel tips. He is also a Social media strategist, accepts hosting & speaking engagement. For inquiries email [email protected]

0 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *