Today, Jake Zyrus is touching our heart through a meaningful social media post. (Scroll down to the end)
I remember our last conversation during when He talks about his recently launched single “FixMe” under ABS-CBN Music International. He also answers some topics such as overcoming depression. I personally admire how brave he is in his journey and being also part of the community, I hope he will continue to inspire a lot of members of LGBTQIA in the future.
Today, in his official facebook account shares his journey on gender transitioning, what a wonderful message it is. Read on.
Una sa lahat salamat sa lahat ng napakaganda nyong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang. Mahal ko kayong lahat.
Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon.Well. This is me guys.Mahal ko kayong lahat.
Jake
0 Comments