ANG ALAALA NG SINGSING


(Intentional reblog)

ANG ALAALA NG SINGSING
Medyo nakaluwag luwag. Di ko inaaasahang mababasa pa tong pinakalumang flashdisk ko. Ang alam ko lang ang mga laman nito ay mga dating audit files nung auditor pa ko sa ABI. Curiousity, sinilip ko ang laman.

Mga excel files. Word files. litrato..
MIC.JPG

 
Nawawala ang pisikal na pananatili, pero naiiwan lahat ng alaala..

Medyo nakaluwag luwag. Di ko inaaasahang mababasa pa tong pinakalumang flashdisk ko. Ang alam ko lang ang mga laman nito ay mga dating audit files nung auditor pa ko sa ABI. Curiousity, sinilip ko ang laman.

Mga excel files. Word files. litrato..

MIC.JPG
Isang silver na Singsing. Nagbalik lahat ng alaala nung singsing na to. Napawi tong ngiti kanina ko pa suot suot. Sa kung bakit ngayon lang, hindi ko maipaliwanag na nalungkot ako bigla. Hindi dahil sa lungkot na dala ng alaala ng singsing na yon. Kundi sa panghihinayang, wala ang ang singsing na to.

Matagal na panahon na hindi ako nagkukuwento sa bahagi ng mga panahon na yon. Maliban sa masyadong mabilis ang mga pangyayari, isang bagay na mahirap ikwento. Binigay ito sa kin ng mga panahong akala ko’y wala nang wakas ang isang mundo. Isang parte ng nakaraang inakalang hindi na matatapos. walang hanggan..

Mahigit tatlong taon.
Kumakain kami sa SM Dasmarinas. Nagpumilit cyang bumili ng cake. Mahilig ako sa cake. Hindi ako kumibo. Naiwan ako sa lamesa. Hintay hanggang sa makabalik cya.

Chocolate cake. Small. May nakalasulat.
Happy 4th.
Wala cyang binabanggit. Habang iniislice ko ang cake, inuubos ang isang bahagi. Nakatingin lamang cya. kunot noo akong nagtanong sa pamamagitan ng tingin lang. Pagkalipas ng ilang sandali, my naramdaman akong matigas na bagay. Sa loob mismo ng cake. Hindi ako nagulat, inakalang nagtama lang ang tinidor at slicer. Nang mapagtanto ko, huli na nang malaman kong mali ako. Noon ko napansing may bagay sa loob ng isang plain chocolate cake.

Isang silver na singsing..

Nang lingunin ko cya, pinapakita nya ang isa nyang kamay. Suot ang isa pang singsing na kahawig mismo ng nasa cake. Nakangiti cya. Nagaabang ng reaksyon ko. Kung sa nagulat ako o nabigla o naiyak hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang, sobrang saya ko. Naitanong ko pa kung para sa saan? Sumagot cya..

“Panghabangbuhay..”
Pumatak ang luha ko. Alam ko na sa unang pagkakataon isang tao ang siguradong maghihintay. Isang tao ang may plano, isang tao ang nais na bumahagi ng walang hanggan.

Panghabambuhay. BIG WORD.
Ako na ata ang pinakamasayang tao na nakaupo sa napakalaking foodcourt ng SM Dasmarinas. Hindi ko na naalala kung ano pang napagusapan namin. Sinuot ko ang singsing na may nakadikit pang pagkain. Kinabahan na baka hindi magkasya. Wala akong masabing kahit na ano. Ni hindi ako karinyosong mapagbigay ng regalo. Nung mga panahong iyon ang natatandaan ko lng na naibigay ko sa sa kanya ay isang green na unan para sa kotse.

Nagkasya ang singsing.
Inuntog nya ang ulo nya sa kin. At masayang sinabing “You dont lose that, ok?” Tango lang ang naisagot ko. alam kong sa mga panahong iyon, hinding hindi ko maaring mawala ang kahit na anong bagay na galing sa kanya. Isang bagay na pinanghawakan ko. Marahil iyon na nga ang simula ng buwan buwan pagkain namin ng chocolate cake.

Corny?

 Walang makakapagsabi. Umuwi kami ng bahay na alam kong hanggang sa loob ko, nakangiti ako. Yun ang ikaapat na buwan mula nang mgdesisyon akong tanggapin cya, tanggapin namin ang isat isa. Walang kasing saya ang bawat buwang sumunod.

Apat na taon na pala ang nakakalipas..
Maraming magagandang alaala ang singsing na to. Singsing na kahit na ngsusulat ako, sinisipat ko ang pagkakakalagay nito sa daliri ko. inaayos sa tuwing umiikot ng bahagya, hinihubad sa tuwing maliligo, sinisipilyo paminsan minsan para mapanatiling malinis. At ngayon tatlong taon na pala ang nakakalipas.

Wala na ang singsing na to..
Iniwan ko sa lamesitang salamin ng minsang umalis ako. sinadya kong iwan. Sinadya kong mawala ito sa daliri ko. At higit sa lahat, wala na rin cya. Nakakatuwang balikan na apat na taon na pala mula noon. Alam kong maraming mga sandaling hindi ko hinangad na sana nasa akin pa ang alaalang yon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nakita ko ang singsing na to.

Maraming bagay man ang magpapaalala ng mga panahong yon. Ngunit ang singsing na to ang nagbalik ng lahat. Ang singsing na to ang ngdala ulit ng mga alaala ko, na minsan sa isang sulok ng mga pagtanggi, naroroon pa rin..

Ngunit kung hindi dahil sa nagmamahal sa kin ngayon, marahil hahanapin ko pa din ang alaala.


Like it? Share with your friends!

rodmagaru

Push Awards' Most Popular Entertainment Blogger of 2016, Rod Magaru is a celebrity Blogger who blogs about lifestyle and Entertainment. His Blog is known for breaking news on new projects in TV, Movies and reviews of products, hotels and awesome travel tips. He is also a Social media strategist, accepts hosting & speaking engagement. For inquiries email [email protected]

0 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *