19 years old, Cagayan De Oro City (Mindanao)
4th year, BS Psychology, Protégé of Phillip Salvador
David is supposed to be graduating from college this October, but he has to take a respite from what would have been his last semester in school since he joined Protégé. He plans to complete his last semester in college, though, after the competition.
How did you learn about the audition?
“Nasa school po ako nun, I was helping the college freshmen in organizing their organization trip po kasi yun po yung last day ng org-trip namin sa school po. Parang pa-welcome namin sa mga freshmen, especially sa mga Psychology majors*. Sinabihan po ako ng girlfriend ko na i-try ko daw mag-audition kasi kagagaling lang din niya nun sa audition pero hindi po siya nakapasok. Tapos sabi ko, ‘wag nalang, di na siguro ako makakahabol kasi mga 2:30pm na nun e.’ Pero sabi niya at ng iba kong mga co-officers ‘sige na, David, i-try mo lang, wala namang mawawala pag sinubukan mo e’.”
*David is an officer of their college’s B.S. Psychology organization. He is an academic achiever in school.
“Na-convince nila ako kaya umuwi muna ako, malapit nang mag-3:00pm noon (4:00pm was the cut-off for the auditions). Yung bahay kasi namin malapit lang naman sa school kasi lumipat kami doon matapos kami ma-Sendong sa dati naming tinitirhan. Tapos nung nasa bahay na ako, hinanap ko yung birth certificate ko. Ang suwerte ko nga e kasi sa aming lahat sa pamilya, yung birth certificate ko lang ang hindi na-damage ng Sendong.”
“Tapos sinabi ko sa girlfriend ko, ‘samahan mo ako.’ Sabi naman ng girlfriend ko, ‘wag nalang kasi parang bitin na sa oras, next time nalang.’ Sabi ko sa kanya, ‘OK lang yun e di kapag dumating tayo doon tapos hindi na ako umabot, ibig sabihin hindi talaga ‘yun para sa akin.’”
The audition (first screening) was held at the SM Cagayan de Oro. “Nung nag-aabang na kami ng taxi, tatlong taxi ang dumaan sa amin pero lahat may mga sakay. E malapit nang mag alas-4 nun kaya sinabi ko na kapag ang susunod na dadaang taxi sa harapan namin ay may sakay, back-out na tayo. E may dumaan na taxi – pero may sakay nga. Give up na sana ako kaya lang sinabi ng girlfriend ko, ‘wag muna, mag-antay daw muna kami ng isa pa at kapag may sakay ulit ‘yun saka kami hindi tutuloy. Tapos may dumaan na taxi – this time, wala nang laman, kaya tumuloy na kami.”
“Pagdating namin sa registration area, tatlo nalang kaming nakahabol sa audition at ako nalang yung nag-iisang lalaki dun sa tatlo. Tapos nag-audition ako at exactly 4:00pm and there were about 400 or 500 auditionees.”
David made it to the initial screening and was called-back a week later for the second screening held at SM Davao. A few days later, he received news that he was part of the Final 20 proteges (one of four from Mindanao).
“Na-realize ko po that this is God’s plan. Kasi from the very start, wala naman po talaga akong planong mag-audition tapos parang lahat ng pinagdaanan ko from day one until now parang God really made a way para mapunta po ako dito – yung birth ceritificate, yung taxi, yun cut-off n asana pero nakapasok ako – lahat yun. Kaya thankful po ako.”
============================================
Registered midwife
Protege of Phillip Salvador
(Mindanao)
Tumakas ka daw sa alcoholic father mo para lang maka-audition sa Protégé?
“Yes po.”
Bakit, ayaw ba niyang mag-artista ka?
“Yung papa ko po kasi laging umiinom at hindi naman po niya talaga alam kung anu-ano ang pinaggagawa namin kaya nung nag-audition po ako, hindi ko na po ipinaalam sa kanya. Kasi kung ipinagpaalam ko po sa kanya, bale wala lang din naman po sa kanya kaya ayun po, hindi ko na po siya sinabihan.”
Sinong kasama mo nung audition?
“Ako lang po. Nag-audition po ako sa SM Cebu. Mag-isa akong nagtravel (by ship) sa Cebu at wala po akong kakilala doon sa Cebu*. Nag-stay lang po ako sa medyo murang apartelle kasi wala po akong pambayad sa hotel.”
*Dipolog (Mindanao) is a 4-5 hours slow-boat ride to Cebu (Visayas)
So mag-isa mong sinubukang abutin ang pangarap mo?
“Opo. Kasi wala po kaming pambayad sa barko po.”
Saan mo nakuha yung pang-gastos mo para sa audition?
“Humingi po ako sa auntie ko at pinahiram naman po niya ako ng pera kaya ako nakapunta sa auditions.”
“Dumating po ako sa Cebu ng 5:00am tapos pumunta po ako diretso sa SM Cebu ng mga 7:00am. Tapos naghintay po talaga ako doon tapos nakita ko po yung ibang mga nag-audition, marami mong mga magagwapo at magaganda kaya kinabahan po ako. Sinabi ko nalang po sa sarili ko na ‘pumunta ako dito dahil gusto kong mag-audition at kung ano man ang mangyari sa pag-o-audition ko, God has a plan.’”
Ano ba yung pinaka-memorable na part ng pag-audition mo?
“Nung kinausap po ako ni Ms. Jolina kung ano ang reason ko sa pagsali sa Protégé at kung saan ko hinuhugot ang emosyon ko. Tapos nung kinuwento ko po sa kanya, nag-iyakan po kaming dalawa.”
**Apple’s mentor is Phillip Salvador but she auditioned in Cebu where Jolina scoured forprotégés. When she was taken in as part of the Top 20, she was assigned to Phillip Salvador since she is from Mindanao.
Ano ba yung reason mo sa pagsali sa Protégé?
“Gusto ko po talagang maging isang magaling na artista. At kapag nakamit ko po yung pangarap kong ‘yon, makakatulong na po ako sa pagpapa-rehab ng papa ko.”
“Gusto ko po kasing ma-experience kung paano magkaroon ng isang maayos na pamilya talaga e. Kasi ever since na mga bata pa po kami, hindi na po siya (her father) sumasabay sa amin kasi lagi po siyang lasing.”
Ano ba ang pinaka-importanteng leksyon na natutunan mo sa buong proseso ng pagsali mo dito sa Protége?
“Maging malakas, pagkakaroon ng tiwala sa sarili at sa Diyos. Yun po.
0 Comments