• Friday , 28 November 2014

BLOG/ESSAY

=============
February 08, 2011
=============

Sana ako na lang..

Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang ulit nadama ito? Isang bagay na akala ko’y nalimot na ng nakaraang taon. Hindi ko maipaliwanag, na muli may sisibol na isang damdaming, kahapon pa nagsimula.

Matagal na panahon. Alam kong noon pa man ay possibleng ikaw. Pero hindi ko pinagpatuloy. Isang dahilang alam kong hindi ka handa. O baka ako. O baka isa sa atin. Pero gusto kong bawiin na nauna ako, na makita ka. Hindi ko alam kung kaya kong maisatitik. O kung paano kong ipapaliwanag. Isa lang ang alam ko. Malungkot. Malungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi dahil sa nag-iisa ako. Kundi dahil sya.. hindi ako.

Di ko inisip na mawawala ka. O bagay na hindi ko natunugan na mangyayari. Bigla na lang. Hindi ko naisip na ikalulungkot ko pa. Matagal na panahon ko nang nasabing “baka hindi”. Pero iba pala. Nang makita kita’y parang nabuhayan ako ng pag-asa. Tinitingnan kita. Nakikita ko ang TAYO. Nakikita ko sa mga mata mo, na nakikita mo din ako..

Huli na ko..
Huli na ko na makita pang posible yon. Dahil nung gabing yon. Hindi ka na yung dating ikaw.. hindi dahil sa nagbago ka.. kundi dahil ako ang wala na.. May iba ka na.

May mahal ka nang iba..
Matagal ko nang alam. Kaibigan ko cya. Kaibigan kong hindi lingid sa yo. Sya ang nagbalita. Natuwa ako para sa kanya noon. Natuwa ako para sayo. Pero nalungkot ako., para sa sarili ko. Dahil hindi ko inakalang dadating yon. Pero mas nangibabaw ung saya ko. Dahil masaya kong nakikita ang mga taong malapit sa kin. Hanggang sa natanggap ko.

Hanggang nung gabing yon. Nagkita tayo..

Naguluhan akong muli. Ngunit pinigil ko ang sarili ko. Alam kong mali. Na manghimasok. O pumapel. Dahil kayo na. Bumili ako ng maraming karapatan. Pero wala nagtinda. Bumili ulit ako ng maraming marami pang karapatan. Pero wala pa ring nagtinda. Nilamon ako ng selos. Sa kabila ng wala akong karapatan.. malungkot.

Hanggang sa nakausap kita. Naging magaan ang pakiramdam ko ulit. Umasa lang ako sa panandaliang kasiyahan na makasama ka. Nalaman ko kung paano ka magmahal. Kung ano ang kaya mong ibigay. Kung ano ang mga nangyari. Kung ano ang ayaw mo. Kung ano ang gusto mo. Kung ano ang gusto mong ayusin. Kung ano ang nasa isip mo. Kung paano ka magpahalaga. Kung paano ka maging masaya sa piling mo. Kung paano.. nabuhayan ako ng loob. Gusto kong nung gabing yon sabhin kong mahal kita. O sabihin sayo hindi kung bakit sya? Kundi bakit hindi ako..

Napakasaya ko nung gabing yon. Mahirap. Pero alam kong pansamantala kong nakalimutan ang lahat ng nasa aking plato. Dahil may isang bagay na may pag-asa. Isang bagay na sa kinabukasan ay gusto kong tuklasin kung ano pa. Mahirap. Dahil pinapaasa ko lang pala ang sarili ko. Mula nung gabing yon, alam kong gusto pala kita. Pero huli na. Huli na nang pinaalam mong pwede kong subukan. Huli na ng sinabi ng mga titig mo na bakit hindi ko sinubukan noon.

Huli na..
Ngayon ay isang kaisipan. Malungkot. Nag-iisa ako sa kamalayang wala akong karapatan. Wala akong magagawa. Wala akong pag-asa. Gusto kong patunayan sa yo na kaya ko. Gusto ko. At handa ako. Pero hindi ko kayang gawin. Hindi dahil sa wala akong lakas ng loob. Kundi dahil sa gusto kong irespeto ang nasa paligid ko. Mas nangingibabaw sa kin ang pagpapahalaga ko sa mga natutunan ko. Na ang relasyon ng iba ay dapat na irespeto.

Malungkot na krusada. Bilang isang tao lang ang maaring magdala.. ako.

Gusto kong sabihin sa’yong sana ako na lang. Gusto kong iparamdam sa yo na kaya kong subukan na hindi mangyari ang mga bagay na ayaw mo. Gusto kong sabihin sayo na hindi dapat nasasaktan ang isang tulad mo.

Pero walang boses na namumutawi sa mga labi ko. Dahil alam kong nirerespeto ko ang relasyon ng iba. Ng relasyon na pinili mo.. Malungkot man ngunit hanggang dito lang ako. Walang pupuntahan. Hindi maaaring sumunod sayo. Gusto kong maghintay. Ngunit gusto kong ako lang ang makaaalam non.

Wala akong siguro syo. Ngunit isa lang ang alam ko, sana ako.. sana ako na lang.. sana.

Maghihintay. Hindi ko alam. Ngunit isa lang ang alam ko. Hindi kita kayang saktan. Nahuli ako.. huli na nang malaman ko ang gusto kong magpatuloy sayo.

Hindi ka na malaya.

Twitter: @rodmagaru

==============================================================================
==============================================================================

====================
January 6, 2010
====================

TAPAT KA BA?

“If I had only one friend left, I want it to be you..”

Hanggang saan ka nagdedesisyon para sa kaibigan mo? Naranasan mo na bang magalit sa taong itinuturing mong isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo? Taong, sa bawat paghinga ay kasa kasama, katuwang sa lungkot at saya. Kaibigan na hindi mo iisipng magbibigay ng sama ng loob sayo? Kaibigan na lagi mo lang karamay, katawanan, kaiyakan, kainuman, kasama sa galaan – KAIBIGANG MATALIK.


Minsan nasisira ang pagkakaibigan sa DISRESPECT. TRUST ISSUES at SELFISHNESS.

Ang totoo, hindi naman sumasama ng basta basta ang loob natin sa mga matatalik na kaibigan. Kadalasan pa nga, nagiging imparsyal o “bias” tayo pagdating sa kanila, tinatanggap natin lahat ng mga kamalian o kaunting pagkukulang na kung minsan tayo na mismo ang nagpupuno. Minsan nga lang, may mga bagay na kahit sa kabila ng kagustuhan mong magpuno, sa kabila ng kaluwagan mong umunawa, dadating sa punto na hindi mo na maiiwasang masaktan sa isang bagay na ni hindi mo aakalain magiging pader sa pagitan nyo.

Naranasan mo na bang paglihiman ka ng isang bagay na dapat ay alam mo? Isang bagay o sikreto o lihim na dapat ay pareho ninyong alam? Ngunit isa lamang ang nagdesisyon na humawak nito, maiwan ka sa isang kaisipang kahit kailan ay hindi ka nirespeto na mgdesisyon para sa sarili mo?

Paano mo papaniwalain ang sarili mo na ayos lang? Na dumating na ang panahon mo na malaman mo ang isang bagay tungkol sa kahit ano, at maiisip mo na sa kabila ng dapat na alam mo simula pa man, ay ipagkait syo. Kaibigan mo na halos ipagkakatiwala mo ang buhay mo, mga sikreto at lihim mo, mga hinaingm o sa buhay na hindi lahat nais marinig – ay hindi magtitiwala na maiintindihan mo ang isang bagay.

Masakit na malaman mo na ang itinuturing mong kaibigan ay hindi maging totoo. Higit sa ano pa mang bagay, hindi mo maaaring idahilan na mahal mo cya para maunawaan mo. Dahil kalakip dito ang sarili mong pagpapasya, ngunit hindi ikaw ang nagdesisyon kundi cla – dahil sa inaakala nilang hindi ka nila kayang pagkatiwalaan.

Paano mo maiisip na ang isang mahal na mahal mong kaibigan ay ituturing ka lamang na kakilala dahil sa hindi nya pagtitiwala at pagsasabi ng totoo syo? May makakapagpabago ba ng kaisipang ito? May maaari bang “DAHILAN” ang isang tao para masabing hindi cya nakasakit sa pagtatago ng isang lihim na dapat ay ipinagkatiwala sayo, dahil sa karapatan din naman.

MAHIRAP. MASAKIT. NAKAKALUNGKOT.

Na sa araw araw na ibinigay mo ang sarili mo sa kanila, sila ang hindi totoo. Sa bawat pasko, kaarawan, lungkot, opisina, bakasyon at mga okasyong kasa-kasama mo cila, at ibinibigay mo ang totoong ikaw, sila ang hindi magiging patas. Dahil sa may hindi cla sinasabi na dapat ay alam mo.

Hanggang saan ba ang sukatan ng pagtitiwala? Lalo na sa isang bagay na ikaw ang pangunahin? Ayos lang ba talaga na magtago ng mga bagay bagay ang kaibigan mo dahil lang sa rason nila na hindi naman cla nagsinungaling kundi naglihim lang?

Bakit may mga taong sa kabila ng saya na ipinapakita mo sa knila, pagiging totoo mo ay magiging hindi patas dahil may mga bagay clang pansariling kapakanan at dahilan? Minsan, sila pa ung itinuturing mong pinakamamahal mong mga kaibigan.

Minsan hindi sapat na kaibigan tayo sa mga kaibigan natin. Minsan kailangan din nating irespeto ang mga taong totoo sa atin. Mga taong tunay na nagmamahal at itinuturing tayong kapatid. Nakakalimutan natin na karapatan nilang bigyan ng respeto.

Bihira silang dumating at tumagal, pahalagahan natin cila.

YUN LANG.

==================

November 11, 2010
===================

MAGIC
Dun sa kasabihan na, “May Magic.” o di kaya’y “May Spark”. Madalas mapagusapan ang mga kaibigan mo kapag may isang tao na may bagong kakilala at may pakiramdam ka na may “konek”.

O yung madalas na sinasabi ng mga kaibigan mo na “nagclick”. Yung alam mo na masaya ka kapag kausap mo ang bago mong kakilala, o kaopisina, o bagong kaklase, o di kaya naman ya bagong ksama sa isang proyekto.

ARTE AT FIRST SIGHT.
Kinikilig ka kapag dumadating na sya sa opisina. OO! Aminin mo na kahit highschool ka pa lang, o college na o kahit na mahigit 25 years old ka pa and above, dumadating pa din yung pagkakataon na may isang tao sa opisina, o sa eskwelahan, o sa gym, o sa party, na kapag dumadating na kung saan nandoon ka, kinikilig ka pa rin. O masaya ka, o di kaya ay nagiging isa na sa mga dahilan mo para pumasok. Yung tipong kahit walang mga dahilan o karapatan, gagawa ka lang ng pag-uusapan para lang maging magkausap kayo. O yung mga bagay na ginagawa mo na hindi mo naman ginagawa noon nung wala pa cya.

Hanggang sa dumating ang mga bagay na tuloy tuloy lang.. Hanggang sa maaring napagod ka na lang na ganon ang sitwasyon o may nagawa cyang hindi mo lang naisip nya na magagawa nya o masasabi nya. Yun ung panahon na pagkatapos mong makagawa ng mga paraan na maging magkasundo kayo, maging magkaibigan, may mga bagay pala na hindi ninyo din pagkakasunduan. At makikita mo na may mga pagkakakaiba din pala kayo, mga pang individual na katangian. Kung minsan pa nga ang mga pagkakaibang ito ay mas malaki pa sa pagkakasundo ninyo. Hanggang sa parang wala na lang. bigla na lang, magiging ordinaryong tao cya sa yo.

Totoo.
Nawawala ang spark.
May isa ngang fan page sa facebook na “Sa tuwing naaalala kong nagkagusto ako sayo, natatawa na lang ako.” Pero totoo naman, nagiging normal na lang ang isang pagkagusto pagkalipad ng sandaling panahon. Minsan, dahil sa alam mo lang na walang patutunguhan. Pero bakit nga ba nawawala ang pagtangi? Mahirap man minsan ipaliwanag pero minsan lagi din tayong naghahanap ng bago, o ng mga bagay na makakapagpaexcite sa atin. Mas mabuti na kaysa sa mahulog tayo ng tuluyan. O yung tuluyan natin clang kamuhian. Mas mabuti sa mga bagay na hindi naman natin pinoproblema.

Mas mabuti kaysa sa “FALSE HOPES”.

===================================================================
===================================================================

November 6, 2010
================

Imposible

Sabi sa kanta ni KC Koncepcion, “Hindi ako nasasaktan, Hindi kita kinakailangan, Hindi Ako nagdaramdam, Imposible..”

Minsan lagi nating sinasabi na minsan hindi naman tayo apektado sa isang bagay, sa taong may nagsabi ng hindi maganda sa atin, o sa mga bagay na nakakasira ng mood, bagay na hindi deretsahang nakakaapekto sa tin o kung minsan sa mga taong minamahal natin na hindi nagmamahal pabalik.. Minsan itinatanggi din natin na malungkot tayo, bagay na nakakatulong sa atin para makabawi. Ngunit paano kung sa kabila ng mga pagtangging ito ay isang sulok ng lungkot, o bagabag ang lumilibot naman talaga sa ating kaisipan? Paano kung sa kabila ng mga pagsambit ng mga salitang ito ay isang pag-amin na tayo lamang ang nakakasaksi.

Mahirap magkunwari kapag puso mo ang nasasaktan. Kahit gaano kakapal ang pulbos ng ngiti mo, lalalabas at lalabas na apektado ka. Hindi mo gugustuhin na makinig ng mga awiting may kinalaman sa masayang pagmamahalan o di kaya ay mga may temang walang hanggan o panghabambuhay. Kung minsan sinisisi natin ang mga tao na nagbigay ng bigat na nararamdaman natin, sa kanila natin ibinubunton ng mga sakit na dinadanas natin. Nagigising tayo sa umaga na mabigat, at naiisip agad natin na galit tayo sa kanila.

Sinasabi natin na wala silang karapatang makasakit. Na wala silang karapatang saktan tayo, higit sa lahat, ng ganito.

FALSE HOPES.
Minsan nagiging bukambibig natin ang salitang ito. Na pinaasa tayo, na binigyan tayo ng maling impresyon na nagdudugtong sa pagkahulog ng ating mga loob. Magdaramdam tayo, aalalahanin ang lahat ng mga bagay, masasayang bagay na makakapagpaalala na wala ang sakit. hanggang sa darating ang puntong maiintindihan mo na nasaktan ka talaga dahil sa binigay nilang maling impresyon. Pero ang totoo, hindi umiinog ang false hopes, tayo mismo ang nagbibigay ng maling pag-asa sa sarili natin. Tayo mismo ang ngpaasa na may isusukli lahat ng inibibigay natin. tayo mismo ang nakasakit sa ating mga sarili.

Hindi natin ito aaminin.

Hindi natin sasabihin na tayo ang dapat sisihin.

Dahil sa mga oras na nasasaktan tayo, wala tayong nakikita kundi ibang tao. Wala tayong ibang gustong gawin kundi makahanap ng masisisi. nawawala ang pagiging irasyonal natin sa mga bagay. Pero itatanggi pa din natin sa harap ng maraming tao na hindi tayo apektado. Hindi tayo nasasaktan. Hindi natin sila kinakailangan. Imposible, sabi sa kanta.

Pero alam nyo ba ang ang kantang ito ay may sinasabi sa dulo..
“Imposibleng.. mangyari iyon.. hinding hinding hindi mo ba alam? Tanging ikaw lang sa puso ko.. Sa isip at Gunita ko”

Walang pinipili ang heartbreak. Kahit na artista ka pa o ordinaryong tao, hindi ka exempted. Hindi..

ITUTULOY..

.


=========================================================================
=========================================================================

November, 5, 2010.

Say you’ll never go..

Wala naman talagang madaling break-up. Kahit simpleng pagpapapaalam hindi ganoon kasimple.. sa kung paanong paraan mo cya lalampasan, ikaw lamang nag makakaalam. Kung saan Kapag napagod na ang pusong nagmamahal, o ang isang taong bahagi ng isang relasyon o ng isang tungkulin, o ni sa sinumpaang pangako, mabigat man o sa kung anong dahilan, masasaktan at masasaktan ka.

Magkaibang Mundo.
Yung suntukin mo ang buwan para lang ipaglaban ang isang bagay, yung pilitin mong pumasok sa ibang mundo para lang makapiling ang taong hindi mo naman inaakalang mglalaan ng panahon sayo. Yan ang mga bagay na ginagawa mo para sa isang tao.

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba”
Hanggang sa dumating yung puntong alam mong masaya ka lang. yung tipong lagi ka lang may hinaharap sa tuwing gigising ka. Paulit ulit.Paulit ulit na masarap sa pakiramdam. Yun ang proseso. yun ang gantimpala ng nagmamahal. Walang kahulilip. Walang kapantay. Ang alam mo lang walang hangganan. Hanggang sa tuluyan ka nang nasasanay at naniniwalang walang wakas.

“Tagpuan”
Nagpupunta kayo sa lugar na masaya kayong magkasama. Hindi mo iniisip na may manghuhusga sa yo kung kasama mo ay hindi mo katrabaho o kasing talino o kahit artista pa cya! At kung artista man cya, masaya ka na ikaw ang minahal nya.

Hanggang sa babasagin nya lang ang isang bagay thru SMS. “Lets just forget everything.. Im sorry. I think I know what I really like to do.. Be home soon.”

Itutuloy..

=======================================================================

November 4, 2010.
ANG ALAALA NG SINGSING
Medyo nakaluwag luwag. Di ko inaaasahang mababasa pa tong pinakalumang flashdisk ko. Ang alam ko lang ang mga laman nito ay mga dating audit files nung auditor pa ko sa ABI. Curiousity, sinilip ko ang laman.

Mga excel files. Word files. litrato..
MIC.JPG

Nawawala ang pisikal na pananatili, pero naiiwan lahat ng alaala..

November 4, 2010.
Medyo nakaluwag luwag. Di ko inaaasahang mababasa pa tong pinakalumang flashdisk ko. Ang alam ko lang ang mga laman nito ay mga dating audit files nung auditor pa ko sa ABI. Curiousity, sinilip ko ang laman.

Mga excel files. Word files. litrato..
MIC.JPG
Isang silver na Singsing.Nagbalik lahat ng alaala nung singsing na to. Napawi tong ngiti kanina ko pa suot suot. Sa kung bakit ngayon lang, hindi ko maipaliwanag na nalungkot ako bigla. Hindi dahil sa lungkot na dala ng alaala ng singsing na yon. Kundi sa panghihinayang, wala ang ang singsing na to.

Matagal na panahon na hindi ako nagkukuwento sa bahagi ng mga panahon na yon. Maliban sa masyadong mabilis ang mga pangyayari, isang bagay na mahirap ikwento. Binigay ito sa kin ng mga panahong akala ko’y wala nang wakas ang isang mundo. Isang parte ng nakaraang inakalang hindi na matatapos. walang hanggan..

Mahigit tatlong taon.
Kumakain kami sa SM Dasmarinas. Nagpumilit cyang bumili ng cake. Mahilig ako sa cake. Hindi ako kumibo. Naiwan ako sa lamesa. Hintay hanggang sa makabalik cya.

Chocolate cake. na small. May nakalasulat.
Happy 4th.
Wala cyang binabanggit. Habang iniislice ko ang cake, inuubos ang isang bahagi. Nakatingin lamang cya. kunot noo akong nagtanong sa pamamagitan ng tingin lang. Pagkalipas ng ilang sandali, my naramdaman akong matigas na bagay. Sa loob mismo ng cake. Hindi ako nagulat, inakalang nagtama lang ang tinidor at slicer. Nang mapagtanto ko, huli na nang malaman kong mali ako. Noon ko napansing may bagay sa loob ng isang plain chocolate cake.

Isang silver na singsing.

Nang lingunin ko cya, pinapakita nya ang isa nyang kamay. Suot ang isa pang singsing na kahawig mismo ng nasa cake. Nakangiti cya. Nagaabang ng reaksyon ko. Kung sa nagulat ako o nabigla o naiyak hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang, sobrang saya ko. Naitanong ko pa kung para sa saan? Sumagot cya..

Panghabangbuhay.
Pumatak ang luha ko. Alam ko na sa unang pagkakataon isang tao ang siguradong maghihintay. Isang tao ang may plano, isang tao ang nais na bumahagi ng walang hanggan.

Panghabambuhay. BIG WORD.
Ako na ata ang pinakamasayang tao na nakaupo sa napakalaking foodcourt ng SM Dasmarinas. Hindi ko na naalala kung ano pang napagusapan namin. Sinuot ko ang singsing na may nakadikit pang pagkain. Kinabahan na baka hindi magkasya. Wala akong masabing kahit na ano. Ni hindi ako karinyosong mapagbigay ng regalo. Nung mga panahong iyon ang natatandaan ko lng na naibigay ko sa sa kanya ay isang green na unan para sa kotse.

Nagkasya ang singsing.
Inuntog nya ang ulo nya sa kin. At masayang sinabing “You dont lose that, ok?”Tango lang ang naisagot ko. alam kong sa mga panahong iyon, hinding hindi ko maaring mawala ang kahit na anong bagay na galing sa kanya. Isang bagay na pinanghawakan ko. Marahil iyon na nga ang simuila ng buwan buwan pagkain namin ng chocolate cake. Corny? Walang makakapagsabi. Umuwi kami ng bahay na alam kong hanggang sa loob ko, nakangiti ako. Yun ang ikaapat na buwan mula nang mgdesisyon akong tanggapin cya, tanggapin namin ang isat isa. Walang kasing saya ang bawat buwang sumunod.

Tatlong taon na pala ang nakakalipas..
Maraming magagandang alaala ang singsing na to. Singsing na kahit na ngsusulat ako, sinisipat ko ang pagkakakalagay nito sa daliri ko. inaayos sa tuwing umiikot ng bahagya, hinihubad sa tuwing maliligo, sinisipilyo paminsan minsan para mapanatiling malinis. At ngayon tatlong taon na pala ang nakakalipas.

Wala na singsing na to.
Iniwan ko sa lamesitang salamin ng minsang umalis ako. sinadya kong iwan. Sinadya kong mawala ito sa daliri ko. At higit sa lahat, wala na rin cya. Nakakatuwang balikan na tatlong taon na pala mula noon. Alam kong maraming mga sandaling hindi ko hinangad na sana nasa akin pa ang alaalang yon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nakita ko ang singsing na to. Maraming bagay man ang magpapaalala ng mga panahong yon. Ngunit ang singsing na to ang nagbalik ng lahat. Ang singsing na to ang ngdala ulit ng mga alaala ko, na minsan sa isang sulok ng mga pagtanggi, naroroon pa rin.. Ngunit kung hindi dahil sa nagmamahal sa kin ngayon, marahil hahanapin ko pa din ang alaala.
==============================================================

Today is September 24, 2010

==============================================================
TAPOS NA
Minsan ang hirap din ipaliwanag. May mga panahong pagkahaba haba din ng narating. Gusto ko lng naman sabihin na matagal din akong nag-akala na may patutunguhan ang ilang bagay na minsan ay naging totoo. Mga bagay na ipinaniwala sa akin na walang hangganan. Kung saan ang bawat kabanata ay may melodiyang hindi sapat na awitin ng beterano man, dahil sa angking perpeksyong taglay nito; kabanatang akala ko’y wala nang wakas, wala ng katapusan.

Huli Kong namasdan ang aking sarili na nangingiti sa tuwing ipapahiwatig mo na patuloy na magniningas ang sa kung anong meron tayo.Mga pagpapahiwatig na nakadadarang. Nagaanyaya. Hindi isang iglap na nawala ang paniniwala Kong tapos na ‘yon. May prosesong dumating na kahit ako’y nagtatanong. Na baka nga hindi talaga uukol ang isang bagay na tanging pinaniwala ko lang ang sarili ko. Na sa hinagap ng katotohanang alam Kong darating ang mga bagay na hindi ko maaring angkinin ang isang bagay, pinilit ko pa din na magpatuloy.
Hindi ko hiniling na makita mo. Hindi ko sinabing maramdaman mo. Na sa maraming paraan na naipahiwatig ko sayo na mahal kita.. ngunit duwag man akong sabihin ay alam kong naipakita ko sayo. Mahirap lamang tanggapin na ngayon, kahit alam kong nglaho na ang mga bagay na dati ay nararamdaman ko dumadating pa din ang mga pagkakataong nasasabi kong sana.. sana..
Matagal na panahon, mismong sarili ko ang binulag ko sa isang kaisipang walang hahadlang, ako mismo ang nagtikom bibig na nagpaniwala sa sarili kong ako ang tama para sa iyo. Na sa kabilang bandang walang pagtutol mula syo, akoy lalong naningkad. Akoy lalong nagkaroon ng pag-asa, mas humigpit ang aking pagkakakapit sa isang bagay na bagamat alam kong isang ideyang mgwawakas anumang oras, ngunit sa sarili ko akoy hindi din nagsabi ng totoo-ganoon pala talaga kapag puso ang nangungusap, bulag, hungkag at isang palamara. Sa matagal na panahong pinaniwala ko ang sarili kong ako ang mgbibigay sayo ng kasiyahan, dadating ang panahong ito.
Noon naaalala ko na hindi ako nghahanap ng kapalit, ngunit paano mo ipaliliwanag na ako’y naging alipin ng mga ngiti at paanayaya?

============================================================
January 2010
CONFESSION OF A HOLYWOOD SUPERHERO.
I was wedged unaware that it was missing, the affection I had for you. But what’s really caught me off guard is a fact that missing that same thing was only temporary. Because now, I feel like I lost again. It reminded me that it never went away; the feeling is still there. How can I fight with something that is indeed a fact, How can I disagree with things that is all the while was there?

It’s been a year now. Yeah it is. And you were reminding me of the date that was. I cannot imagine myself forgetting that it is. Yet now, after alternate occasions of kiss and make up and forgetting oneself, and then tearing up again and get together again, here I am, the superhero that was never fall out of what you call you always give, LOVE.

I can still remember that it was me, which during the stage where we are just trying to look on what’s in there; I was the one who really want to pursue IT. I was the one who believed that maybe in some certain circumstances, that your eyes would meet mine. And I did. And I am glad, searching highs and lows of it. I am certain. Im happy. Then it was the time when you need to see the side of me. I am flattered that it’s more than what I give, that at first I am thinking if was I dreaming? Because more than what I deserve, you showed me. You let me believe that it was, yes! Its true that there will come a time that a certain person will just come knocking without you knowing it. And you don’t just let me believe on that fiction, you let me feel it.

But now, after a long time of just being in that situation, we are still in that position where though we admit a good times about it, we still cant admit it in front of many, we are. And then you were missing. You are far away. And I cannot almost remember how it feels to be loved. That is the time when I really have to bid goodbye to what we have.

And after awhile, I felt it, I was lying to myself.

The feeling is still there. And I have to bear with this that you were never really gone away, during the time that I want to start to forget you -you’re back. What am I gonna do?

-superman

I know it’s been hard, me not being there. There’s a single word I have to describe my feelings for now, Im confused.

It’s been a while since I didn’t bragged about this. And I feel so da** tired of thinking that this is not who wins or who lose,